RP shuttlers bigo sa Asian Jrs.

MANILA, Philippines - Tinalo ni Gelita Castillo sina Kharchenko Vladlena ng Kazakhstan, 21-8, 21-11, at Wong Kit Leng ng Macau, 21-6, 21-9, ngunit natalo naman kay third seed Cheah Sonia Suya ng Malaysia. 6-21, 12-21, sa Badminton Asia Youth under-19 Championships sa Stadium Jua­ra sa Kuala Lumpur, Malay­sia.

Natapos ang kampanya ni Castillo sa third round sa girls’ singles dahil sa kanyang pagkatalo kay Leng sa annual event na nagtatampok sa mga junior players sa rehiyon.

Ang RP Team ay nagwakas sa ikalawang puwesto sa Group C sa team play mula sa kanilang 1-1 baraha.

Ang mga top teams sa six-division group ang aabante sa quarterfinal round.

Show comments