^

PSN Palaro

Khromacheva, Duckworth kampeon sa ITF singles

-

MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng girls top seed Irina Khromacheva ng Russia ang kanyang estado upang makasama si James Duckworth ng Australia na naghari sa 21st Mitsubishi Lancer International Juniors Tennis Championships na natapos kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ang 14-anyos na si Khromacheva na number 6 sa mundo ay nagdomina laban sa unseeded na si Ran Tian ng China, 6-2, 6-2, para magbunga ang kauna-unahang paglahok sa torneo sa bansa.

 Ito rin ang ikatlong titulo ni Khromacheva sa taong ito matapos manalo sa ITF tournament sa Thailand at Czech Juniors Championships.

 Hindi naman nagpahuli si Duckworth, ang unseeded sa torneo sa boys, nang ilampaso ang 10th seed na si Tobias Blomgren ng Sweden, 6-3, 6-2, para sa ikalawang sunod na titulo matapos magdomina rin sa Thailand event.

 Bigo man ang lahok ng bansa ay may kinang pa rin ang host country nang manalo sina Francis Casey Alcantara at US Raymond Sarmiento sa boys doubles laban kina Sam Barry at Ben McLachla ng New Zealand, 6-4, 6-3.

 Ang girls doubles title naman ay pinagharian nina Tamara Curovic ng Serbia at Luksika Kumkhum ng Thailand sa pamamaigtan ng 5-7, 6-4, 10-8, iskor laban kina Khromacheva at Ilona Kremen ng Belarus. (Angeline Tan)

ANGELINE TAN

CZECH JUNIORS CHAMPIONSHIPS

FRANCIS CASEY ALCANTARA

ILONA KREMEN

IRINA KHROMACHEVA

JAMES DUCKWORTH

KHROMACHEVA

LUKSIKA KUMKHUM

MITSUBISHI LANCER INTERNATIONAL JUNIORS TENNIS CHAMPIONSHIPS

NEW ZEALAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with