MANILA, Philippines - Matapos makuha ang series opener sa overtime noong Huwebes, inaasahan na ni Excelroof head coach Ato Agustin na mas magiging matindi ang kanilang labanan ng Pharex B Complex ni Aboy Castro.
“I expect Game 2 to be tougher and harder since we’ll both make adjustments,” ani Agustin. “But if we remain to play at this level we can sweep the series.”
Hangad wakasan ang kanilang championship series ng Fighting Maroons, sisikapin ng 25ers na muling mabingwit ang Game Two ngayong alas-3 ng hapon para sa 2010 PBL PG Flex Placenta Cup sa The Arena sa San Juan.
Sa likod nina Jimbo Aquino, Calvin Abueva at Gilbert Bulawan, tinalo ng Excelroof ang Pharex, 97-87, via overtime sa Game One noong Huwebes sa kabila ng isang 17-point deficit sa third period.
Hangad ni Agustin ang kanyang ‘Grand Slam’ matapos igiya ang San Sebastian Stags sa korona ng nakaraang 85th NCAA season at sa CHED National Games.
“Since I used most of my players are from San Sebastian, we managed to capitalize on our championship experience,” sabi ni Agustin, muling aasa kina Jimbo Aquino, Calvin Abueva, Gilbert Bulawan, Pamboy Raymundo, Ronald Pascual at Ian Sangalang katapat sina Vic Manuel, Woody Co, Nestor David, Mark Lopez at Martin Reyes ng Pharex.
Winakasan ng 25ers ang ipinosteng six-game winning streak ng Fighting Maroons mula sa nasabing panalo sa kanilang series opener.
Ayon kay Agustin, tinulungan ang mga koponan ng Yco at RFM sa pagkakampeon sa Philippines Amateur Basketball League (PABL) noong 1980’s hanggang makuha ng San Miguel sa PBA Draft noong 1989, ang offensive rebounding ang magiging susi sa kanilang panalo.
Samantala, itatanghal naman sa ganap na alas-2:45 ng hapon kung sino kina Aquino, Manuel at Paul Lee ng Cobra Energy Drink ang magiging Best Player of the Conference.
Kasunod nito ang pagkilala sa bubuo ng Mythical Five.