Isa na lang sa 25ers

MANILA, Philippines - Sa pagbibida nina Jim­bo Aguino, Gilbert Bula­wan at Calvin Abueva, isang panalo na lamang ang kailangan ng 25ers para makuha ang kanilang unang korona.

Sinandigan ng Excelroof sina Aquino, Bulawan at Abueva upang talunin ang Pharex B Complex sa overtime, 97-87, sa Game One ng 2010 PBL PG Flex Placenta Cup Finals kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang panalo ng tropa ni Agustin sa koponan ni Aboy Castro sa Game Two ng kanilang best-of-three championship series bukas ang tuluyan nang magbibigay sa kanila ng titulo.

Bumangon ang Excelroof mula sa isang 17-point deficit, 31-48, sa 8:46 ng third quarter sa likod nina Aquino, Bulawan, Abueva at Pamboy Raymundo upang kunin ang 83-81 la­mang sa huling 2.5 segundo.

Naitulak ng Pharex sa extra period ang laro nang isalpak ni Marlon Adolfo ang isang reverse layup ga­ling sa inbound pass ni Arvie Braganza. (Russell Cadayona)

Excelroof 97 - Aquino 27, Bulawan 24, Abueva 20, Raymundo 8, Bagatsing 7, Sangalang 6, Pascual 3, del Rio 2, Delgado 0, Celada 0, Taylor 0.

Pharex 87 - Co 16, Adolfo 13, Manuel 10, Lopez 10, Arao 10, Braganza 8, Reyes M. 7, David 6, Tecson 5, Hipolito 2, Reyes E. 0, .

Quarterscores: 12-17; 31-39; 54-62; 83-83 (OT); 97-87.

Show comments