Boston pasok na sa playoffs

BOSTON - Muling uma­bante sa NBA Playoffs ang Boston Celtics.

Umiskor si Paul Pierce ng 27 points, habang nag­dag­dag naman si Kevin Gar­nett ng 20 at naglista si Rajon Rondo ng triple-dou­ble para igiya ang Boston sa 113-99 panalo sa Denver Nuggets.

Ito ang pang limang pa­nalo ng Celtics sa kanilang huling anim na laban.

“We have been able to get the job done on the road, but this is where we eat. This is where we set our table,” wika ni Pierce. ”

Maganda ang inilaro ni Pierce, iniupo ang 10 laro dahil sa kanyang knee, foot at thumb injury, habang nagkaroon naman si Garnett ng hyperextended right knee.

May 5 puntos lamang si Pierce sa 105-114 pagyukod ng Celtics sa Nuggets noong Pebrero 21.

Magkatabla pa rin ang Celtics at Atlanta Hawks para sa ikatlong puwesto sa NBA Eastern Confe­rence.

Dalawang beses na nagtala ang Boston ng isang 21-point sa third quarter bago ito naputol ng Denver sa 80-87 papunta sa fourth period. 

Show comments