MANILA, Philippines - Kung iniisip na ni Manny Pacquiao na tuluyan nang magretiro, hindi pa ito ang tamang panahon.
Ito ang opinyon ni Rex “Wakee” Salud, ang tumatayong adviser ni Pacquiao, kaugnay sa pagpaparamdam ng 31-anyos na world seven-division champion na isasampay na niya ang boxing gloves para pagbigyan ang kahilingan ng inang si Aling Dionisia.
“He must fight Mayweather first,” wika kahapon ni Salud kay Pacquiao na ikinakasa kay Floyd Mayweather, Jr. para sa kanyang huling laban.
Ayon kay Pacquiao, nasa isang 12-fight winning streak kasama ang mga panalo kina Oscar dela Hoya, Ricky Hatton at Miguel Cotto, kokonsultahin muna niya ang kanyang pamilya ukol dito.
“I don’t believe that he’s going to retire soon,” wika ni Salud kay Pacman.
“Mahirap ‘yan. He can announce today that he’s retiring but after four or five months he will surely look for a fight,” dagdag pa nito.
Magiging madali umano kay Pacquiao na magretiro kung hindi siya hinamon ni Mayweather, dagdag pa ng Cebuano matchmaker.
“As long as Mayweather is there, and they haven’t fought, it will be very tough for Manny to retire,” sabi pa ni Salud.
Ang Pacquiao-Mayweather megafight ang sinasabing tatapunan ng malaking pera ng Top Rank at Golden Boy Promotions.
Si Pacquiao, nakaipon na ng $53 million sa kanyang huling laban, kasama na rito ang $12 million sa paggul-pi kay Joshua Clottey noong Marso 13 sa Dallas, ay inaasahang kikita ng $50 million sa paglaban kay Mayweather.
“Masyadong malaking pera yan. How can he retire? And aside from the money, that Mayweather fight is the fight that the people will ask for. Manny is a boxer, He’s fighter. If he is called to a fight, he will fight Mayweather,” ani Salud.
“Di ako naniniwala na kaya na niya mag-retire ng tuluyan.”
Nakatakdang hamunin ni Mayweather si Sugar Shane Mosley sa Mayo 1. (Abac Cordero)