RP shuttlers papalo sa Asian Juniors

MANILA, Philippines - Mapapasabak ang pito sa nangungunang junior badminton players sa bansa sa mga ma­titikas sa region sa kanilang pag­lahok sa Badminton Asia Youth Under-129 Championship na magbubukas sa Linggo sa Stadium Juara, Bukit Kiara, Kuala Lumpur, Malaysia.

Babanderahan nina natio­nal team at pool member Malvinne Ann Venice Alcala, Gelita Castilo, Gerald Sibayan at Niko Sha­drach Saquin ang RP contingent sa nasabing event at umaasa si­la na mailalabas nila ang kani-ka­nilang mahusay na performance sa mixed team event at individual competitions sa mga matitikas na karibal na bansa mula sa region.

Magbibigay naman ng su­porta sa koponan sina Philip Es­cueta, Jose Martinez at Nikki Servando ng Bacolod City. Ka­salukuyang ginaganap na ang mixed event at magtatapos ito sa Marso 24 na magsisilbi ring panimula ng hostilidad sa individual competitions kung saan ang RP juniors ay nakabilang sa Group C at third seed ang Thailand at Sri Lanka.

Paglalabanan sa naturang events ang boys’ and girls’ sin­gles, boys’ and girls’ doubles at mixed doubles.

Show comments