^

PSN Palaro

Ho humabol sa main draw sa ITF netfest

-

MANILA, Philippines - Nadagdagan pa ng isang Pinay ang kakatawan sa host country sa 21sth Mitsubishi Lancer International Tennis Championships main draw na magsisimula ngayon sa Rizal Memorial Tennis Cen­ter.

Si Jasmine Ho ang nakahabol sa anim pang manlalaro sa kababaihan nang makalusot ito sa qualifying round na nagtapos kahapon sa nasabing venue.

Hindi nasira ang kumpiyansa ng 15-anyos na si Ho matapos makatabla si Gulnara Gabdoulline ng Turkmenistan sa second set upang maikasa ang 7-5, 3-6, 6-3, panalo.

Bunga nito ay umabante sa main draw si Ho at makakasama nina Anna Clarice Patrimonio, Patricia Joy Orteza, Marian Jade Capadocia, Shannin Mae Olivarez, Marinel Rudas at Tamitha Nguyen na mga wild card bets ng bansa.

Sina Katrina Orteza at Marianne Hillary de Guzman ay lumahok din sa qualifying pero hindi pinalad na manalo.

Si Orteza ay yumukod kay Rongrong Leebabanchong ng Thailand, 3-6, 3-6, habang si De Guzman ay yumukod din kay Wang Ting-ye ng Chinese Taipei, 3-6, 5-7.

Wala namang kinatawan ng bansa ang pinalad na makalusot sa qualifying sa kalalakihan matapos masibak agad sa unang araw ng qualifying round nitong Linggo.

Pero palaban ang bansa sa boys division ng Grade I event na ito ng International Tennis Federation dahil kasali rito ang mga mahuhusay na junior netters na sina Francis Casey Alcantara at Jeson Patrombon.

Si Alcantara ay umabante sa pagiging 39th ranked player habang si Patrombon ay isa sa limang wild card sa dibisyon.

Sina Leander Lazaro, Akio Sy, Jacos Lagman at Kim Ivor Saraza ang iba pang ipinasok ng Philippine Tennis Association bilang wild cards. (ANGELINE TAN)

vuukle comment

AKIO SY

ANNA CLARICE PATRIMONIO

CHINESE TAIPEI

DE GUZMAN

FRANCIS CASEY ALCANTARA

GRADE I

GULNARA GABDOULLINE

INTERNATIONAL TENNIS FEDERATION

JACOS LAGMAN

JESON PATROMBON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with