Ramos runner-up lang, RP-711 riders nalaglag

MANILA, Philippines - Inangkin ng beteranong si Merculio Ramos Jr. ang runnerup honors ngunit nabigo naman ang Roadbike Phils.-711 na makapasok sa top five sa pang walong yugtong Binh Duong TV Cup Tour of Vietnam kamakalawa.

Sumeguda si Ramos kay Dutch lap winner Timo Scholz sa naturang 150-kilometer distance mula sa beach resort city ng Na Thrang hanggang sa Phan Rang sa oras na 3:11:50.

Nakasama ang Filipino rider sa bulto ng 15-man lead pack na naglista ng magkakatulad na 3:12.06 at may agwat na 16 segundo kay Scholtz.

Lumagay naman sina Mark Guevarra at Lloyd Lucien Reynante sa 36th hanggang 39th spots sa magkapareho nilang 3:14.18 clockings.

Nakapuwesto ang RP-711 squad sa eight place (9:40.22) at nanatili sa sixth overall (65:15.50) na 8:50 ang distansya sa bagong nangungunang BTV Saigon (65:07.10).

Inungusan naman ni Ramos si Reynante sa individual standings sa pagiging No.15 spot (21:45.09) at 3:09 ang layo kay Mongolian yellow jersey wearer Tuguldur Tuulkhangai (21:42).

Show comments