Cavs umukit ng kasaysayan, outright Central Division championship inangkin
CLEVELAND - Tuluyan nang inangkin ng Cavaliers ang kanilang ikalawang sunod na outright Central Division championship.
Humakot si LeBron James ng 32 points, 9 rebounds at 9 assists sa 99-94 tagumpay ng Cleveland sa Indiana Pacers para ilista ang kanilang 54-15 win-loss record at maging unang koponan na umangkin sa isang division title.
“We have to cherish these moments and celebrate these moments,” ani Mo Williams sa Cavaliers. “Our goal last year was so focused on a championship, we looked past clinching the division, clinching the playoffs and clinching home-court advantage. All that makes the main goal that much sweeter.”
Nang makalapit ang Indiana sa isang puntos mula sa 18-point lead ng Cleveland, humakot naman si James ng 6 points, 2 blocks, 2 steals at isang assist sa huling apat na minuto sa final canto.
Nagtala naman si Troy Murphy ng 19 points at 15 rebounds para pangunahan ang Pacers sa ilalim ng 20 marka ni Roy Hibbert.
Naglaro ang Indiana na wala ang kanilang leading scorer na si Danny Granger, may average na 23.1 points a game dahilan sa natanggap na siko sa kanilang laro ng Charlotte Bobcats kamakailan.
Sa Orlando, nagposte si Vince Carter ng 24 puntos at walong assists upang imando ang Magic sa 110-84 tagumpay laban sa San Antonio Spurs.
Sa iba pang laro, nanalo ang Boston Celtics sa New York Knicks, 109-97; at pinataob ng Charlotte Bobcats ang Oklahoma Thunder, 100-92.
- Latest
- Trending