^

PSN Palaro

Fighting Maroons sinelyuhan ang No.1 spot at twice-to-beat

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Dumiretso sa kanilang pang limang sunod na panalo, tuluyan nang inangkin ng mga Fighting Maroons ang No. 1 seat sa Final Four.

Tinalo ng Pharex B Complex ang Excelroof, 74-68, upang sikwatin ang ‘twice-to-beat’ incentive sa semfiinal round ng 2010 PBL PG Flex Erase Placenta Cup kahapon sa The Arena sa San Juan.

Isinara ng Fighting Maroons ang elimination round bitbit ang 6-1 kartada kasabay ng pagpigil sa three-game winning streak ng 25ers.

Tumipa si Woody Co ng 14 puntos at 7 rebounds para pangu­nahan ang Pharex kasunod ang 12 marka ni Mark Lopez bukod pa ang 6 boards, 3 assists at 3 shot blocks.

“Balewala lang ang pagiging No. 1 team namin if we won’t win the championship,” sabi ni head coach Aboy Castro sa Fighting Maroons.

Ipinoste ng Pharex ang isang 19-point lead, 23-4, sa second period hanggang maagaw ng Excelroof ang unahan, 37-34, sa 4:17 ng third period mula sa pagbibida ni Jimbo Aquino.

“Excelroof is a great team, they have a championship experience and I expect to play them again somewhere down the road,” sabi ni Castro sa 25ers ni mentor Ato Agustin.

Nanguna naman sina Lopez at 6-foot-4 Vic Manuel upang muling ilayo ang Pharex sa 66-53 kasunod ang inihulog na 10-0 bomba ng Excelroof, kasama rito ang isang three-point shot ni Pamboy Raymundo para makadikit sa 63-66 sa 1:31 ng fourth quarter.

Huling naghamon ang 25ers sa 67-69 agwat sa natitirang 21.6 segundo galing kina Marc Agustin at Ian Sangalang kasu­nod ang dalawang freethrows ni Lopez buhat sa foul ni Adrian Celada para sa 71-67 abante ng Fighting Maroons.

Ang Cobra Energy Drink ang makakaagaw ng Excelroof para sa ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ incentive mula sa magkatulad nilang 4-2 rekord.

Pharex 74 - Co 14, Lopez 12, Arao 11, Adolfo 10, Manuel 8, David 6, Braganza 5, Reyes E. 4, Tecson 4, Reyes M. 0, Hipolito 0, Maniego 0, Astorga 0.

Excelroof 68) - Raymundo 17, Aquino 16, Celada 13, Sangalang 8, Agustin 4, Abueva 2, Bagatsing 2, Bulawan 2, Mendoza 2, Taylor 2, Delgado 0, Pascual 0, Suguitan 0.

Quarterscores: 14-4; 29-24; 49-49; 74-68.

ABOY CASTRO

ADRIAN CELADA

ATO AGUSTIN

EXCELROOF

FIGHTING MAROONS

FINAL FOUR

FLEX ERASE PLACENTA CUP

IAN SANGALANG

LOPEZ

PHAREX

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with