Olympic-style swimming pool, diving pool matatapos sa Abril - Angping

MANILA, Philippines -  Kumpiyansa si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Ang­ping na matatapos sa Abril 15 ang ipinaayos niyang Olympic-style swimming pool at diving pool sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ang naturang 10-lane swimming at standard-size na diving pool ay inumpisahan noong Nobyembre at ginastusan ng halos P20 milyon.

“This is the first time that these swimming pool and diving pool was renovated after a long, long time,” sabi ni Angping. “I think panahon pa ni Imelda Marcos hindi pa ‘yan napapaayos.”

Ang naturang swimming at diving pool ay isinunod sa bagong patakaran ng FINA, ang international swimming federation.

“Lahat ng ginawa diyan ay according to the FINA technical handbook,” wika ni Engr. Jun Nicdao, ang kontraktor na nagsaayos sa naturang mga sports facilities.

Ikinasiya naman ni di­ving queen Shiela Mae Pe­rez ang pagkakaroon ng Olympic-style swimming pool at standard-size diving pool. (RCADAYONA)

Show comments