Semis sasampahan na ng Pharex B

MANILA, Philippines - Tatangkain ngayon ng mainit na Pharex B Com­plex na maisubi ang una sa dalawang outright semifinals seat sa pakikipag­­­ha­rap sa AddMix ngayong alas-2 ng hapon bago ang salpukan ng Ascof Lagun­di at Fern-C sa alas-4 sa eliminatiopn round ng 20­10 PBL PG Flex Erase Pla­centa Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Magkakasalo sa lide­rato ang Pharex, Cossack Blue at Excelroof mula sa magkakapareho nilang 4-1 rekord sa itaas ng Cobra Energy Drink (3-1), AddMix (2-3), Ascof Lagundi (2-3), Fern-C (1-4) at talsik nang Agri-FCA (0-5).

Kasalukuyang sumasakay sa isang three-game winning run ang Fighting Maroons ni coach Aboy Cas­tro, ang pinakahuli rito ay ang kanilang 96-66 paggupo sa Spirits.

“I believe we will be in the semifinals. Right now, we are at number one spot,” ani Castro sa kanyang Pharex. “But it’s still a long way to go and I want to see my team in this position after the elimination to have that twice-to-beat advantage in the semifinals.”

Ang top two teams ma­tapos ang eliminasyon ang siyang aangkin ng ‘twi­ce-to-beat’ incentive sa Final Four.  

Nanggaling rin sa isang malaking panalo ang Transformers ni Leo Austria makaraang ilampaso ang Cultivators, 90-49.

Sa ikalawang laro, asam naman ng Cough Bus­ters ni Carlo Tan na mapalakas ang tsansa sa semis sa pakikipaglaban sa Ferntastics ni Bal David. (RCadayona)

 

Show comments