^

PSN Palaro

Williams, West nagtulong para ibangon ang pilay na Cavs

-

CLEVELAND--Nakasibilyan lamang si LeBron James, hindi makita si Shaquille O’Neal at nasa locker room si Antawn Ja­mison dahil sa kanyang nama­magang tuhod.

Kung natalo sila, maraming magiging dahilan ang Cleveland Cavaliers.

At kahit isa ay hindi sila gumamit nito. Nagsalpak si Mo Williams ng dalawanq freethrows sa hu­ling siyam na segundo at ti­niyak naman ni Delonte West na makukuha ng Cavaliers ang 97-95 panalo kontra San Antonio Spurs.

May 0-9 win-loss record ang Cleveland sapul noong 2007-08 kapag hindi naglalaro si James.

Tumapos si Williams na may 17 marka para sa Cavs, dalawang beses nang naglalaro nang wala ang injured na si James, ang reigning MVP ng NBA na may right ankle injury.

Nagdagdag naman si West ng 16 puntos at gumawa ng mahalagang agaw sa huling m­i­nuto ng fourth quarter para sa Cleveland na unang koponang nakapagtala ng 50 panalo nga­yong NBA season.­

Sa iba pang resulta, nanalo ang Dallas Mavericks sa Minnesota Timberwolves, 125-112; New York Knicks sa Atlanta Hawks, 99-98; New Orleans Hor­net sa Golden State Warriors, 135-131 at Memphis Griz­zlies sa New Jersey Nets, 107-101.

ANTAWN JA

ATLANTA HAWKS

CLEVELAND CAVALIERS

DALLAS MAVERICKS

DELONTE WEST

GOLDEN STATE WARRIORS

MEMPHIS GRIZ

MINNESOTA TIMBERWOLVES

MO WILLIAMS

NEW JERSEY NETS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with