^

PSN Palaro

Laki ng katawan ni Clottey balewala

- Abac Cordero -

HOLLYWOOD--Sinabi ni Alex Ariza na hindi pa niya nakikita ng malapitan si Joshua Clottey at hindi niya iniintindi kung sinasabing mas malakas pa ang pambato ng Ghana kay Manny Pacquiao.

“I’ve only seen him in pictures and yes he looks tremendous,” wika kahapon ng tubong Colombia na si Ariza, ang strength at conditioning coach ni Pacquiao kay Clottey.

Inihalintulad ni Ariza ang katawan ni Clottey kay Canadian sprinter Ben Johnson nang ito ay nasa kanyang kalakasan pa.

Ngunit balewala ito pagdating sa ibabaw ng boxing ring at si Pacquiao ang kaharap ni Clottey, ayon kay Ariza, may 4-0 record sapul nang hawakan ang Filipino boxing superstar.

Sinabi ni Ariza na ang lakas at bilis ni Pacquiao ang mangingibabaw sa oras ng kanilang salpukan ni Clottey.

“It may be aesthetic. Anybody can look good. But when it comes down to conditioning and pure power I don’t think there’s anybody out there who can match up with Manny,” sabi ni Ariza.

“Manny is a phenom of an athlete,” dagdag pa nito kay Pacquiao na gamay na ang welterweight division.

Handang-handa naman si Pacquiao para sa kanyang title defense kay Clottey.

“I’m okay. I’m ready,” wika ng kasalukuyang WBO welterweight (147 lb) champion sa kanyang laban kay Clottey sa Linggo sa harap ng halos 45,000 fans sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Tumitimbang ngayon si Pacquiao ng 149lbs at hindi niya pinoproblema ang pagkuha sa weight requirement sa oras ng weigh-in sa Biyernes (US time).

“Kain pa nga ako ng kain eh. Walang problema sa timbang. All I’m doing is to maintain my condition,” wika nito.

“So, good luck to both of us. May the best man win,” wika pa ni “Pacman”.

vuukle comment

ALEX ARIZA

ALL I

ARIZA

BEN JOHNSON

CLOTTEY

COWBOYS STADIUM

JOSHUA CLOTTEY

KAY

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with