Defensive player ipaparada ng Aces sa Fiesta Conference

MANILA, Philippines - Kumpara sa ibang koponan, isang defensive player ang ipaparadang reinforcement ng Alaska para sa dara­ting na 2009-2010 PBA Fiesta Conference.

Ang 6-foot-6 na si Diamon Simpson ay naging mi­yembro ng All-America Defensive Team habang ku­makampanya para sa koponan ng St. Mary Gaels sa collegiate level.­

Naglista si Simpson ng mga averages na 1.7 steals at 1.6 blocks per game bilang isang power forward para sa kanyang collegiate squad kung saan noong 2008 ay kinilala siya bilang Defensive Player of the Year ng CollegeInsider.com.

“Diamon Simpson is one of the more under appre­ciated players in America,” paglalarawan ni Matt Drake ng CollegeInsider.com kay Simpson. Sa kanyang paglalaro sa National Basketball Association Developmental League (NBDL), nagposte si Simpson ng mga averages na 15.5 puntos at 9.6 re­bounds para sa tropa ng Los Angeles D-Fenders.

Si Simpson ay inaasahang makakatuwang sa frontline nina 6’9 Samigue Eman, nakuha ng Alaska mula sa San Miguel, 6’7 Sonny Thoss at 6’6 Joe Devance.

Ang Beermen, sa pamamagitan ni Best Import Gabe Freeman ang nagkampeon sa nakaraang PBA Fiesta Conference matapos igupo ang Ginebra Gin Kings, nag­bandera kay David Noel. (RCadayona)

Show comments