^

PSN Palaro

Rookie, Este, Rico Maierhofer

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Naaalala ko pa ‘yung sinabi ni Purefoods Tender Juicy Giants head coach Paul Ryan Gregorio ilang araw bago naganap ang 2009 PBA Rookie draft noong nakaraang Agosto.

Aniya, “Anyone we pick will certainly help improve the team.”

Ito’y tinuran niya sa gitna ng usap-usapang naghahanap ng ka-trade ang Air21 o (Burger King) na siyang may hawak ng No. 1 pick overall sa Draft. Hindi nga ba’t matunog na matunog na ang 6’8 na si Japhet Aguilar ang kukunin ng Air21 bilang No. 1.

Si Aguilar ay dating naglaro sa Ateneo Blue Eagles bago nagtungo sa Estados Unidos at naglaro sa Western Kentucky. Naging miyembro siya ng Powerade Team Pilipinas. Urong-sulong siya sa desisyong mag-apply sa PBA Draft subalit lumahok na rin siya dito.

E, kursunada pala siyang ipamigay ng Air21 at sa Purefoods siya iniaalok kapalit nina Enrico Villanueva, Rich Alvarez at Peter June Simon. Bukod dito’y hinihingi pa ng Air21 ang No. 2 pick ng Purefoods!

Apat na players kapalit ng isang rookie na wala pa’ng napapatunayan?

Hindi tuloy kumagat ang Purefoods at sa halip nga’y sinabi ni Gregorio na anyone we pick will certainly help improve the team.”

Matapos na kunin ng Air21 bilang No. 1 pick si Aguilar, sinungkit ng Giants si Rico Maierhofer bilang No. 2. The rest, as they say, is history!

Isang game lang ang nilaro ni Aguilar sa Air21 at pagkatapos ay minabuti niyang maging bahagi ng Smart Gilas. Tsaka na lang daw siya aakyat ulit sa PBA via Talk N Text. So, hindi siya napakinabangan ng Air21 at sa halip ay nawalan ng manlalaro ang Express.

Sa kabilang dako ay sumingasing naman si Maierhofer para sa Purefoods at ngayon ay siya ang leading contender para sa Rookie of the Year award.

Sa nakaraang best-of-seven serye para sa kampeo­nato ng KFC PBA Philippine Cup sa pagitan ng Purefoods at Alaska Milk ay nakita ng karamihan ang halaga ni Maierhofer.

Sa totoo lang, nakakainggit nga ang Giants dahil sa pagkakaroon ng dalawang players na halos magkatulad ang estilo. Sina Maierhofer at Marc Pingris ang nagkakapalitan sa puwesto. Starter si Pingris at karelyebo niya si Maierhofer.

Aba’y walang kapaguran ang dalawang ito. Matin­ding dumepensa, matinding kumuha ng rebounds, ibang klase ang intensity.

At sa title-clinching Game Four, si Maierhofer pa nga ang bumuhat sa Giants nang gumawa siya ng siyam sa kanyang 12 puntos sa third quarter upang pigilan ang rally ng Aces na tuluyan nilang winalis upang makopo ang ikalimang all-Filipino title at ikawalong kampeonato ng prangkisa.

May nagsasabi na kung nagpatuloy sa paglalaro sa Air21 si Aguilar, baka ito imbes na si Maierhofer ang maging No. 1 contender para sa ROY award.

Sa ganang akin, kahit na naglaro si Aguilar, malamang na si Maierhofer pa rin ang Number One.

Masuwerte ang Purefoods!

vuukle comment

AGUILAR

AIR21

ALASKA MILK

ATENEO BLUE EAGLES

BURGER KING

ENRICO VILLANUEVA

ESTADOS UNIDOS

MAIERHOFER

PUREFOODS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with