African rider, kampeon sa LPGMA Tour of Luzon

MANILA, Philippines - Hindi binitawan ang una­­han sa kabuuan ng fi­nal stage, pinagharian ni Dennis Van Nickerk ng EMG Cycling Team ang 2010 Liquefied Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) Tour of Luzon kahapon sa Ayala Triangle.

Pilit na binantayan ng South African ang humahabol na si Canadian Da­vid Veilleux ng Kelly Be­nefits Strategies patungo sa hu­ling 15-lap, 60-kilometer race sa loob ng Makati City.

Tuluyan nang inangkin ni Nickerk, inagaw kay Veilleux ang yellow jersey sa Stage 8 na idinaos sa Subic noong Sabado, ang kanyang kauna-unahang multi-stage race title sapul nang kumarera noong 20­04.

Nagtapos si Nickerk bi­lang tersera sa final sta­ge mula sa agwat niyang anim na segundo sa kanyang kakamping si Reynard Butlerna nagtala ng 01:20:47.01 kasunod ang sumegundang si Veilleux na limang segundo ang layo.

Matapos ang siyam na araw, nagtumpok si Nickerk ng kabuuang oras na 20:41:36.31 para sa   overall crown kasunod si Veilleux na 6.2 segundo ang layo.

Si James Perry, ang EMG team captain, ay nagtapos bilang third overall (3:20.07) sa nasabing nine-stage Tour na suportado ng partylist group LPGMA, Geo Estate Beacon, American Vinyl, Smart, Liquigaz, Burlington, Energizer at Schick.

Tumapos naman si Ba­ler Ravina ng Liquigaz (3:27.77) bilang fourth over­all kasunod si Irish Va­lenzuela ng American Vinyl (3:33.61), Santi Bar­nachea ng Liquigaz (4:20.25), Tomas Martinez ng Smart (5:28.71), Jay Tolentino ng Tagaytay (5:34.88), Joel Calderon ng Smart (6:46.56) at Reid Mumford ng Kelly Benefits (7:55.58). 

Show comments