MANILA, Philippines - Binugbog ni Engelbert Moralde ng PLDT-Team Philippines ang kalabang Uzbekistan sa iskor na 5-1 nitong Sabado ng gabi, gamit ang kumbinasyon ng bilis at depensa upang umusad sa 148-kilogram semifinals ng 19th Asian Youth Boxing Championship sa Tehran’s Shahid Shiroudi Complex sa Iranian Capital.
Susunod na makakasagupa ni Moralde, mula sa Davao City at nadiskubre ng Amateur Boxing Association of the Philippines sa Youth Championship sa Puerto Princesa noong nakaraang taon, ang pambato ng India sa Martes para sa gintong nakataya sa light flyweight.
Si Moralde na naipanalo ang lahat ng kanyang tatlong rounds, ang nalalabing Filipino sa tournament na tinampukan ng 140 boxers mula sa 20 bansa matapos na maagang nasibak sa 51-kilogram flyweight class si Daryly Basadre at ang kabiguan naman sa second round ni flyweight Jenno Cabugngan nitong Biyernes.
Nagawa pang makaporma ni Cabugngan, mula sa Tagbilaran, Bohol sa kalaban sa first round kung saan umangat pa ito sa Turkmenistan. Ngunit pagsapit ng second round nawala ito sa pokus at konsentrasyon na sinamantala naman ng Turkmen boxer upang agawin ang tempo.