^

PSN Palaro

Pagsali ni So sa mga prize tourney dapat limitahan - GTK

-

MANILA, Philippines - Dapat limitahan ni GM Wesley So ang paglahok nito sa mga kompetisyong naglalaan ng mga premyo upang makamit nito ang tagumpay sa nalalapit na Asian Games sa Guangzhou, China mula Nobyembre 12 hanggang 27.

Ito ang paalala ni Go Teng Kok, ang athletics president at Sports and Rules committee chair­man ng POC sa 17-anyos na si So na kanyang pinaniniwalaang may malaking tsansa na manalo ng ginto sa Asiad.

Ayon kay Go, na dating pa­ngulo rin ng chess bago na­palitan ni dating Senador Prospero Pichay, may talento si So at kayang sumabay sa mga bigating manlalaro sa sport na mula sa host China.

Ngunit, dapat specialized trai­ning at hindi ang paglalaro sa malalaking torneo na nagbibigay ng premyo ang atupagin ng ba­tang GM.

Suportado rin ng sports official ang prediksyon ni PSC chairman Harry Angping na 10 ginto pero nakadepende ito sa gagawing pagsuporta ng ahensya sa pagsasanay ng Pam­bansang manlalaro.

Sa ngayon ay mayroong pool ng manlalaro ang nasa pa­ngangalaga ng PSC at 11 nga rito ay napili na bigyan ng P20,000 monthly allowances at intensibong pagsasanay dahil sila ay nakitaan ng potensyal na manalo base sa kanilang track record.

“Puwede ang 10 gold me­dals pero dapat mabigyan ng exposures ang mga atleta. Para sa akin ay kaya ngayon ng hanggang pito at ang billiards ang nakikita kong kayang magbi­gay ng tatlo,” ani Go.

Sa larangan ng 8-ball at 9-ball men’s singles patok umano ang bansa habang maaaring makapanggulat ang mga manlalaro sa women’s billiards.

Ang athletics, dragon boat at taekwondo ang posible pang pagkuhanan ng ibang ginto.

Si Marestella Torres na gumawa ng 6.68m lundag para maging SEA Games at Philippine record nang manalo sa Laos noong Disyembre ang si­yang sinasandalan ni Go na manalo para sa kanyang ha­nay.

Si Torres ay tutungo sa Cologne, Germany sa Abril para sumailalim sa anim na buwang pagsasanay at mapalawig pa ang kaalaman sa paboritong long jump. (Angeline Tan)

ANGELINE TAN

ASIAN GAMES

GO TENG KOK

HARRY ANGPING

SENADOR PROSPERO PICHAY

SHY

SI MARESTELLA TORRES

SI TORRES

SPORTS AND RULES

WESLEY SO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with