MANILA, Philippines - Diniskaril agad ni number one Japanese netter Tatsuma Ito ang hangarin ng Pilipinas na kuminang sa pagsisimula ng 2010 Asia Oceania Zone Group I Davis Cup tie nang kunin nito ang 3-6, 6-3, 6-4, 3-6, 6-4 panalo sa una sa dalawang opening singles na nilaro sa Namihaya Dome, Osaka, Japan.
Lumabas ang pagiging beterano ni Ito, nasa 203 sa singles sa mundo, nang hindi matinag sa pangingibabaw ng mas batang si Huey sa first set upang itulak ang Japan sa 1-0 kalamangan sa best of five series.
Bunga ng kabiguang ito, ang number one player ng Pilipinas na si Cecil Mamiit ay kailangang mangibabaw sa number two ng Japan na si Soeda Go para manatiling matibay ang hangarin ng Pilipinas na makabawi sa Japan.
Naglaban ang dalawang bansa noong 2008 sa Rizal Memorial Tennis Center at hindi nangibabaw ang husay ng mga Hapon sa 5-0 iskor.
Ang doubles ay lalaruin ngayon at nominado para sa Pilipinas sina Francis Casey Alcantara at Johnny Arcilla laban kina Toshihide Matsui at Takao Suzuki.
Pero puwedeng magpalit pa ng manlalaro ang mga team captains isang oras bago ang sagupaan.