^

PSN Palaro

Rubber pipiliting maitulak ng NU Bulldogs vs Adamson Falcons

-

MANILA, Philippines - Sasandal ang National University sa mithiing mawakasan ang matagal na pagkauhaw sa titulo sa UAAP baseball sa pagharap uli sa two-time defending champion Adamson University sa Game Two ngayon sa Rizal Memorial Diamond.

Ang laro ay itinakda ganap na alas-9 ng umaga at kailangang manalo ng Bulldogs upang makahirit ng rubbermatch na pansamantalang itinakda sa Linggo.

Nabigo ang Bulldogs sa hangaring makauna sa Falcons nang kumulapso ang naunang matikas na paglalaro sa Final Four sa ni­lasap na 1-3 kabiguan noong nagdaang Linggo.

May anim na hits lamang ang naitala ng koponan laban sa pambatong pitcher ng Falcons na si Romeo Jasmin at ang kanilang mga patama ay nangyari mula lamang sa eight inning.

Pero maliban sa hitting ay dapat ding mag-ibayo ang pitching ng koponan na inaasahang isasandal sa beteranong si Mick Na­­tividad.

Si Natividad ang pumukol sa rubbermatch ng NU kontra UP sa Final Four at nakuha nga ng pitcher na ito ang 16-0 shutout na panalo upang makapasok ang koponan sa Finals.

Tiyak namang mataas ang morale na Falcons papasok sa larong ito dala ang nakuhang panalo.

Si Joselito Bermoza ang siyang namuno sa batters ng Falcons nang maghatid ito ng dalawang runs at akuin pa ang isang run.

Pero mas mapapadali naman ang adhikaing mawakasan na ang labanan sa kampeonato kung manunumbalik ang dating husay sa pagpalo nina Edward Landicho, Richard Siacor, Jennald Pareja at Marvin Malig. (Angeline Tan)

ADAMSON UNIVERSITY

ANGELINE TAN

EDWARD LANDICHO

FINAL FOUR

GAME TWO

JENNALD PAREJA

LINGGO

MARVIN MALIG

MICK NA

NATIONAL UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with