Libu-libo tumakbo para sa Pasig River DZMM Takbo Para sa Kalikasan Year 11

MANILA, Philippines - Sa ika-labingisang pagkakataon ay dinumog ng mahigit 5,000 mananakbo ang taunang DZMM Takbo Para sa Kalikasan kahapon sa Quirino Grandstand.

Pinangunahan nina  Vice President Noli de Castro, Sen. Pia Cayetano, ABS-CBN Manila Radio Division and Sports Head Peter Musngi, ABS-CBN Foundation Inc managing director Gina Lopez, at DZ­MM station manager Marah Faner Capuyan ang mga kalahok sa mga kategoryang 3k, 5k, at 10k race para matulungan ang kampanyang paglilinis sa Ilog Pasig ng Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig ng ABS-CBN.

Nanguna sa karera sa 10k-male si Jujet de Asis (32:29), at si Nhea-An Barcena naman ang nanguna sa kababaihan (39:59).Pinakamalaking grupo naman mula sa gobyerno ang Philippine National Police, samantalang ang San Miguel Corporation ang tinanghal na “Biggest NGO Contingent.” Ang STI  ang nag-uwi ng “Biggest School Contingent” at ang Robles Family naman ang “Biggest Family Contingent.”  

Show comments