Anderson sa Stage 2 ng LPGMA Tour of Luzon

IMUS, Philippines — Ipinoste ni Ryan Anderson ng Kelly Benefits Strategies ang pinakamabilis na tiyempo para sa hanay ng mga banyagang siklista sa Stage 2 ng 2010 Liquefied Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) Tour of Luzon.

Nagtala si Anderson ng oras na 15 minuto at 2.44 se­gundo sa 12-kilometer indi­vidual time trial race dito sa Daang Hari para ma­kuha ang lap honors at agawin ang overall leadership mula kay stage one win­ner James Perry ng EMG Cycling Team.

Sumegunda naman si Reid Mumford, ang team captain ng Kelly Benefits, buhat sa kanyang 4.19 kasunod sina Perry (11.39), Da­vid Veilleux (24.04), Guy East (48.22) at Chene Hoag (1.08.83).

Tanging si Irish Valenzuela ng American Vinyl ang nakasingit sa hanay ng mga homegrown riders.

Pumuwesto si Valenzuela bilang seventh-placer at isang minuto at 12.79 segundo ang layo kay Anderson.

“It’s a good distance and I really came flying and rolling out there,” wika ni Anderson, huling kumarera sa time trials ng Under-23 World Championship sa Switzerland noong nakaraang Setyembre.

Pakakawalan ang Sta­ge 3 sa Subic International Ra­ceway sa loob ng da­ting Am­erican naval base ngayong umaga.

Show comments