Anderson sa Stage 2 ng LPGMA Tour of Luzon
IMUS, Philippines — Ipinoste ni Ryan Anderson ng Kelly Benefits Strategies ang pinakamabilis na tiyempo para sa hanay ng mga banyagang siklista sa Stage 2 ng 2010 Liquefied Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) Tour of Luzon.
Nagtala si Anderson ng oras na 15 minuto at 2.44 segundo sa 12-kilometer individual time trial race dito sa Daang Hari para makuha ang lap honors at agawin ang overall leadership mula kay stage one winner James Perry ng EMG Cycling Team.
Sumegunda naman si Reid Mumford, ang team captain ng Kelly Benefits, buhat sa kanyang 4.19 kasunod sina Perry (11.39), David Veilleux (24.04), Guy East (48.22) at Chene Hoag (1.08.83).
Tanging si Irish Valenzuela ng American Vinyl ang nakasingit sa hanay ng mga homegrown riders.
Pumuwesto si Valenzuela bilang seventh-placer at isang minuto at 12.79 segundo ang layo kay Anderson.
“It’s a good distance and I really came flying and rolling out there,” wika ni Anderson, huling kumarera sa time trials ng Under-23 World Championship sa Switzerland noong nakaraang Setyembre.
Pakakawalan ang Stage 3 sa Subic International Raceway sa loob ng dating American naval base ngayong umaga.
- Latest
- Trending