^

PSN Palaro

Isa na lang sa Giants

-

MANILA, Philippines - Matapos walisin ang Gin Kings sa semifinal round, nabaon naman ang Aces sa 0-3 sa kanilang championship series ng Giants.

Sinandalan sina KG Canaleta, James Yap at Kerby Raymundo sa final canto, tinalo ng Purefoods Tender Juicy ang Alaska, 79-78, sa Game Three ng kanilang championship series upang makalapit sa inaasam na korona ng 2009-2010 PBA Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Itinaas ng Giants sa 3-0 ang kanilang bentahe kontra Aces sa kanilang best-of-seven titular showdown.

Tumipa si James Yap ng 14 marka para sa Purefoods kasunod ang 12 ng nagbabalik na si PJ Simon at tig-8 nina Raymundo, Canaleta, Marc Pingris at Rafi Reavis.

May pagkakataon ang SMC franchise na makamit ang kanilang pang limang All-Filipino trophy na duduplika sa nakuha ng ma­alamat na Crispa Redma­nizers at pang walo sa ka­buuan.

“As much as we’re up 3-0, it takes four wins to wrap up the series,” ani coach Ryan Gregorio, puntirya ang kanyang ikatlong PBA crown. 

Bumangon ang Purefoods mula sa isang 13-point deficit, 42-55, sa gitna ng third period sa likod nina James Yap, PJ Simon at rookie Rico Maierhofer upang makadikit sa 59-64 sa 1:03 nito.

Muling nakalayo ang Alaska sa 73-66 sa 7:14 ng fourth quarter mula kina Tony Dela Cruz at John Ferriols hanggang kunin ang 77-74 lamang sa 3:06 nito na siya na nilang pinakahuling abante.

Tatlong turnovers ang nagawa ng Aces na nagresulta sa three-point shot ni Canaleta at layup ni Raymundo upang ibigay sa Giants ang 79-77 bentahe sa huling 57.1 segundo.

Ang split ni Willie Miller sa natitirang 31.3 segundo ang naglapit sa Alaska sa 78-79 kasunod ang mintis na tres ni Canaleta sa posesyon ng Purefoods sa huling 19.4 segundo. (RC)

ARANETA COLISEUM

CANALETA

CRISPA REDMA

GAME THREE

GIN KINGS

JAMES YAP

JOHN FERRIOLS

KERBY RAYMUNDO

MARC PINGRIS

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with