Cobra nalango sa Cossack, nasolo ang liderato

MANILA, Philippines - Kung may bagay mang sinasandalan ang mga Spirits laban sa bigating Ironmen, ito ay ang ‘motivation’, ayon kay head coach Rene Baena.

Tinalo ng Cossack Blue ang sister team na Cobra Energy Drink via overtime, 91-90, upang solohin ang liderato sa elimination round ng 2010 PBL PG Flex-Erase Placenta Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sinandalan ng Spirits sina James Martinez, Earn Saguindel at Jorel Canizares sa krusyal na bahagi ng fourth quarter para sa kanilang ikatlong sunod na arangkada.

May 3-0 baraha nga­­yon ang Cossack kasunod ang Excelroof (2-0), Pha­rex B Complex (3-1), Cobra (2-1), AddMix (1-2), Ascof Lagundi (1-3), Agri-FCA (0-2) at Fern-C (0-3).

Sa ikalawang laro, binigo naman ng Fighting Maroons ang Cough Busters, 103-89, mula sa 27 puntos ni Vic Manuel at 15 ni Alvin Braganza. Humugot si Manuel ng 10 marka sa final canto para sa ikalawang dikit na panalo ng Pharex B. (RC)

 Cossack 91--Martinez 24, Canizares 15, Taganas 13, Simpson 9, Afable 8, Saguindel 8, Zamar 7, Reyes 7.

Cobra 90 – Cabahug 24, Lee 22, Llagas 13, Hayes 12, Mangahas 6, Reyes 5, Sa­rangay 4, Barua 4, Aguilar 0.

Quarterscores: 9-19; 40-31; 60-61; 82-82; 91-90.

Show comments