^

PSN Palaro

162 golds hinakot ng NCR athletes

-

MANILA, Philippines - Walang tinanghal na overall champion, ngunit ang mga atleta pa rin ng National Capital Region (NCR) ang humakot ng pinakamaraming gintong medalya sa katatapos na 2010 CHED National Games kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila.

Kabilang sa mga sports events na dinomina ng mga Big City student-athletes ay ang swimming, athletics at taekwondo.

Kumolekta ang NCR ng 162 golds, 42 silvers at 40 bronze medals para pangunahan ang kompetisyon kasunod ang Region 6 ( 40-66-54) at Region 7 (33-42-34) at Region 4-A (25-37-46).

Ang bawat miyembro sa team events ay bibigyan rin ng medalya.

Humakot ang NCR ng 55 gintong medalya sa swimming, habang 31 naman sa athletics.

Kabilang sa mga guma­wa ng eksena ay sina track sensation Serenata Saluan, isang Tausug native na nahugot ng University of Sto. Tomas, at sina swimmers Maria Claire Adorna at Carla Grabador ng University of the Philippines. (Russell Cadayona)

BIG CITY

CARLA GRABADOR

KABILANG

MARIA CLAIRE ADORNA

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL GAMES

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

RUSSELL CADAYONA

SERENATA SALUAN

UNIVERSITY OF STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with