Dela Merced, Henson emcee sa PSA Awards Night
MANILA, Philippines - Isang Formula Three race car driver at model at isang respetadong sports columnist ang tatayong emcee para sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night na itinataguyod ng Coca-Cola.
Ang awards night ay nakatakda sa Lunes sa Manila Hotel.
Makakasama ni Formula Three lady driver at model Gaby dela Merced ang popular na sportscaster at columnist na si Quinito Henson sa pamamahala sa nasabing two-hour affair na inorganisa ng sportswriting fraternity para parangalan ang mga top achievers ng taong 2009.
Pangungunahan ni pound-for-pound fighter Manny Pacquiao ang listahan ng mga personalidad para sa nasabing okasyon matapos tanghalin bilang Athlete of the Decade.
Sina lady pool artist Rubilen Amit, long jumper Marestella Torres at ang taekwondo trio nina Cecille Alarilla, Janice Lagman at Rani Ann ang tinanghal na PSA Athlete of the Year.
Tatayo naman bilang pangunahing panauhin si Senator Francis `Chiz’ Escudero para sa awards night na suportado ng Smart, Pacific Online System Corporation, Philippine Sports Commission, Harbour Centre, Accel at PCSO.
Ang mga top sports officials na kagaya nina International Olympic Committee (IOC) representative to the Philippines Frank Elizalde, Philippine Olympic Committee (POC) president Jose `Peping’ Cojuangco at Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping ay inaasahang dadalo.
Pamumunuan nina boxing champion Annie Albania at cue masters Francisco `Django’ Bustamante at Efren `Bata’ Reyes ang 19 pang tatanggap ng major award.
- Latest
- Trending