MANILA, Philippines - Nakatakdang harapin ng mga Filipino street children ang mga Brazilians sa Deloitte-Street Child Word Cup na sisipa sa Marso 14-23 sa Durban, South Africa.
Kabilang ang mga Filipino booters sa Group B kasama ang Tanzania at Ukraine, habang nasa Group A naman ang South Africa, India, Nicaragua at United Kingdom.
Ang nasabing Deloitte-sponsored soccerfest ay isang side event para sa darating na 2010 World Cup finals sa Hulyo.
Ang 1st Philippine National Street Children team ay sinusuportahan ng Deloitte, Angus Lawson Memorial Trust, Deutsche Bank, Mitre, Whitehouse Scientific, Amos Trust, Bayanihan National Dance Co., Tesoro’s, Amici pizza pasta, at halos 20 individual supporters.
Isa na sa mga tumatayong ‘Ninong’ ay si world boxing champion Manny Pacquiao.
Habang ang Brazil ang No. 2 sa FIFA senior international ratings, No. 167 naman ang mga Filipino booters.
Ang koponan ay kinabibilangan nina Erica Ino-cencio (team captain), Mario Titoy, Roberto Orlandez, MonMon Elona, Blueshark Gaerlan, Noriel Pineones, Jayson Simangan, Lorelyn Cabanayan at Ladylyn Ampe at mga alternates na sina Gerry Boy Joaquino at Jonah Garrido.
Ang head coach ay si Jess Landagan.