^

PSN Palaro

Adorna nagpasiklab sa pool, 5 gold nilangoy

-

MANILA, Philippines - Makaraan ang tatlong gintong medalyang nila­ngoy ni Carla Grabador sa Day One, ang kapwa Lady Maroon namang si Ma. Claire Adorna ang gu­mawa ng alon sa swimming pool.

Inangkin ng 16-anyos na University of the Philippines tanker ang limang gold medals sa Day Two ng women’s swimming competition sa 2010 CHED National Games kahapon sa Rizal Memorial Swimming Center.

Pinagreynahan ni Ador­na ang mga labanan sa women’s 50-meter freestyle, 400-meter individual medley, 100-meter butterfly, 100 freestyle at nakasama sa UP quartet sa 200-meter freestyle relay event para sa National Capital Region (NCR).

Ang UP Sports Science freshman ay kumolekta la­mang ng isang silver at isang bronze medal sa 2009 Palarong Pambansa sa Tacloban, Leyte.

“Tingnan natin kung ma-perfect natin,” sambit ni Adorna sa kanyang puntiryang 6-for-6 gold medal haul sa paglangoy sa 4x50 at 4x100-meter medley relays.

Nagdagdag naman ng isang gold medal si Grabador sa kanyang unang tatlo sa Day One mula sa kanyang panalo sa women’s 800-meter freestyle sa bilis na 10:10.79 sa sports event na inorganisa ng Commission on Higher Education at suportado ng Philippine Sports Commission, San Miguel Corporation, Smart, AMA at STI.

Nakatakda pang luma­ban si Grabador sa 50-meter butterfly, 400-meter butterfly at 4x100-meter.

Inangkin naman ni Lady Maroon Jacklyn Judi Juinio ang kanyang ikalawang gold medal sa pagkolekta sa women’s 200-meter back­stroke sa tiyempong 2:39.28, habang dinomina ni Ronald Allan Guiriba mula sa Polytechnic Univer­sity of the Philippines ang men’s 100-meter freestyle (54.53) at sa 200-meter freestyle relay.

Sa Rizal Memorial oval, itinakbo ni Jospeh Binas ng Region VI ang ginto sa men’s 400-meter gold sa oras na 49.2 segundo at si Keizel Pedrina (58.0) ang nagreyna sa women’s class para sa NCR.

Si Dharl Pitogo ng Region VII ang namayani sa men’s 110-meter hurdles (15.7) at si Ma. Jenny Togle ng NCR ang nagdomina sa women’s 100-meter hurdles (14.5). (Russell Cadayona)

vuukle comment

CARLA GRABADOR

CLAIRE ADORNA

DAY ONE

DAY TWO

GRABADOR

HIGHER EDUCATION

INANGKIN

JENNY TOGLE

METER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with