Ateneo paborito sa Petron volley
MANILA, Philippines - Tinatayang mahigpit na paborito sa first leg ng 2010 Petron Ladies Beach Volleyball tournament ang tambalan nina Asia Urquico at Jessica Morado, ng Ateneo na manalo sa torneo na magbubukas ngayon sa DLSU-Health Sciences Institute sa Dasmariñas, Cavite.
Kabilang sa magiging mabigat na kalaban ng dalawang Ateneo standouts ay sina collegiate champion Ana Alicia Adolfo at teammate Alyanna Marie Gorospe.
Kabuuang 20 beach volleybelles ang hinati sa 10 koponan para pag-agawan ang unang bahagi ng naturang torneo na inorganisa ni dating Philippine Sports Commissioner Tisha Abundo.
Nakatakda ang labanan sa ganap na alas-9 ng umaga.
“We are looking forward to another exciting two days of volleyball action right at the heart of Cavite,” wika ni Abundo.
Ang top two teams ay makakakuha ng automatic berths patungo sa Petron Volleyball Battle of Champions ngayong taon kung saan itatampok ang mga dating nagkampeon para sa isang grand finale.
Ang iba pang kalahok ay sina Mary Ann Balmaceda at Francesca Crescini, Jessica Paron at Aimee de la Pena, Ferlyn Hermoso at Melanie Lumanlan, Suzanne Navarro at Lucille Pael, Nicole de la Cruz at Ana Karissa Villablanca, Joanne Castillo at Jaymie Yap at Dyrene Rose Benecio at Joan Morata.
- Latest
- Trending