RP Patriots pipiliting iuwi ang 1st ABL title vs Indonesia

MANILA, Philippines - Sa harap ng mga kalaban, tatangkain ng mga Patriots na tu­lu­yan nang walisin ang Satria Muda BritAma para sa korona ng ASEAN Basketball League.

Sasagupain ng Philippine Patriots ang Satria Muda BritAma ng Indonesia sa Game Three ng kanilang titular showdown ngayong alas-5 ng hapon sa BritAma Arena sa Jakarta, Indonesia.

Tinalo ng Patriots ang Satria sa Game One, 78-68, at Game Two, 72-53, para itayo ang matayog na 2-0 abante sa kanilang best-of-five champoionship series ng Indonesia.

Sa kanilang pagdayo sa Jakarta, Indonesia, inaasahan ni head coach Louie Alas na magiging matindi ang depensa na ibibigay ng Satria Muda BritAma.

“Right now, we have a clear mindset. We have to focus on our game plan. If we allow ourselves to be distracted by those factors, then we have to stay here for few more days,” ani Alas.

Kung makakasingit ng panalo ang Satria Muda BritAma, mu­ling maglalaro ang mga Patriots sa harap ng mga Indonesians sa Game Four sa Miyerkules.

Hindi naman makapaghintay si import Gabe Freeman na ma­tapos ang naturang torneo upang masimulan ang kanyang pag-eensayo sa San Miguel.

“I have to meet somebody in Manila, we have an important matter to discuss, so let’s go on and play hard on Sunday,” sabi ni Freemen, iginiya ang Beermen sa korona ng nakaraang PBA Fiesta Conference kontra Ginebra Gin Kings.

At kagaya ng San Miguel ni Siot Tanquingcen, gusto rin ni Freeman na maibigay sa Patriots ni Alas ang ABL crown.

“I decided to play for the Patriots because I want them to win the first championship of the league,” ani Freeman.

Muling babanderahan nina Freeman, Jason Dixon, Rob Wain­­wright, Jerwin Gaco at Warren Ybañez ang Patriots katapat sina imports Alex Hartman at Nakiea Miller ng Satria.

Show comments