^

PSN Palaro

Angat na, nag-alala pa!

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Noong Martes ng gabi ay hindi daw nakatulog nang maayos si Alaska Milk coach Tim Cone sa kabila ng pangyayaring angat ang Aces kontra sa Barangay Ginebra, 3-0 sa kanilang best-of- seven semifinals series sa KFC PBA Philippine Cup.

Kung tutuusin ay dapat na medyo mahimbing ang tulog niya kumpara kay Gin Kings coach Joseph Uichico. Kasi nga’y may apat na tsansa ang Aces na makarating sa Finals pero ang Barangay Ginebra ay nahaharap na sa sudden-death situation. Apat na beses nitong dapat na talunin ang Aces. One miss, you die ang sitwasyon.

Pero hayun nga at alumpihit pa rin si Cone. Kinausap daw niya ang kanyang maybahay na si Cristina at sinabing sa haba ng panahong inilagi niya bilang coach sa PBA ay marami na siyang nasaksihang pangyayaring nakakagulat. Marami na siyang nasaksihang comebacks.

Katunayan, ilang beses na ngang nabiktima ang Alaska Milk ng masasaklap na pangyayaring ito. Dalawang beses nga silang nasilat ng Purefoods sa best-of-five serye kung saan nagawa ng Aces na makapagposte ng 2-0 abante. Natalo sila sa huling tatlong games at umuwing luhaan.

So, iyon ang bumabagabag kay Cone.

Paano kung maulit iyon?

Kasi nga naman, kumpara sa Purefoods, iba ang tradisyon ng Barangay Ginebra. Hindi nga ba’t ang Gin Kings ang siyang tinaguriang “never-say-die” team ng PBA?

E, galing nga ang Gin Kings sa 0-2 pagkakadapa kontra Talk N Text sa nakaraang quarterfinal round pero nagawa ng tropa ni Uichico na magwagi sa huling tatlong laro upang matsugi pa ang Tropang Texters.

So, hindi bago para sa Gin Kings ang malagay sa sudden-death situation. Hindi lang naman noong nakaraang quarterfinals na nangyari ito sa Barangay Ginebra. Kung mayroong koponang kayang makabalik sa napakalaking abante ng kalaban nito, ito’y walang iba kundi ang Barangay Ginebra!

“Paano kung makaisa ang Barangay Ginebra?”

Iyon ang katanungang bumalibol sa isip ni Cone.

Nag-aalala siya na baka sa isang panalo ng Gin Kings ay magbago na ang complexion ng serye. Kasi nga naman ay mabubuhayan ng pag-asa ang kanilang kalaban. More importantly, mabubuhayan ng dugo ang mga fans ng Barangay Ginebra na siyang “sixth man” ng team. Tiyak na mas maraming fans ang dadagsa sa playing venue sa Game Five. Tiyak na mas mabigat ang pressure na mararamdaman ng Aces. Baka maulit na naman ang pagkakasunud-sunod ng mga kabiguan tulad ng nangyari sa dulo ng elimination round.

Aba’y nagmistulang chess player si Cone ng gabing iyon na ilang moves ahead ang iniisip.

Kaya sa kanyang pag-iisip ay nasabi niyang kai­langang tapusin na niya ang serye at huwag nang pa­pormahin pa ang Gin Kings.

Ganun nga ang nangyari. Winalis nila ang Barangay Ginebra kinabukasan.

Ang siste’y binigyan lang talaga ni Cone ng undue pressure ang kanyang sarili gayung puwede naman siya ng mag-relax dahil milya na nga ang agwat nila sa Gin Kings. Patunay lang ito na napaka-intense ni Cone bilang coach! 

vuukle comment

ALASKA MILK

BARANGAY

BARANGAY GINEBRA

GAME FIVE

GIN

GIN KINGS

GINEBRA

JOSEPH UICHICO

KASI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with