Pharex B lusot sa Ani-FCA; Cobra tinuklaw ang AddMix

MANILA, Philippines - Nagsanib ng puwersa sina Vic Manuel, Woody Co, Chico Tirona at JR Tec­son upang tulungan ang Pharex B Complex sa malaking 82-62 panalo kontra ANI-FCA sa 2010 PBL PG Flex-Era­se Placenta Cup kahapon sa Yñares Sports Arena sa Pasig City.

Umiskor si Manuel, da­ting kamador ng PSBA Ja­guars, ng 17 puntos para pagbidahan ang Fighting Maroons kasunod ang 13 ni Co at tig-11nina Tirona at Tecson.

Nagdagdag naman ang dating Ateneo Blue Eagle na si Ford Arao ng 10 marka.

Mula sa maikling 37-33 lamang sa first half, pinalaki ng Pharex B Complex sa 16 puntos, 60-44, ang kanilang bentahe matapos ang third period upang ganap nang dominahin ang A­NI-FCA.

Tumipa si Neil Pascual ng 14 puntos para sa Ani-FCA sa iitaas ng 13 ni ex-pro JR Sena at 10 ni Marc Cagoco.

Sa inisyal na laro, humugot naman si Paul Lee ng 18 sa kanyang game-high 25 produksyon sa fourth quarter para ibigay sa Cobra Energy Drink ang 81-77 tagumpay laban sa AddMix.

Nagtala ang 6-foot-1 na si Lee ng 8-of-14 fieldgoal shooting bukod pa ang hi­nakot na 8 rebounds, 5 assists at 2 steals sa loob ng 31 minuto sa playing court.

Nagposte naman ang dating Blue Eagle na si Jai Reyes ng 4 marka, 3 rebounds at 2 assists para sa kanyang debut game sa PBL.

Umakto rin si Lee, tirador ng University of the East Red Warriors sa UAAP, bi­lang playing assistant coach ni Chongson.

 Mula sa pagbibida nina Allen Maliksi, Jan Colina, TG Guillermo at Lester Alvarez, kinuha ng Transformers ni Leo Austria ang 64-57 lamang sa huling pitong minuto ng final canto.

Ngunit tumipa si Lee ng tatlong sunod na puntos kasunod ang basket ni Llagas upang ilagay ang Ironmen sa unahan, 65-64, sa 5:37 nito.

Isang three-point shot ni Lee ang naglayo sa Cobra sa 78-73 sa huling 44 se­gundo.

COBRA 81 - Lee 25, Cabahug 21, Llagas 18, Mangahas 5, Reyes 4, Hayes 3, Barua 2, Camus 2, Fampulme 1, Torres 0, Aguilar 0.

ADDMIX 77 - Maliksi 19, Colina 10, Nuyles 7, Cubo 7, Guillermo 7, Morial 6, Alvarez 5, Ciriacruz 4, Canada 4, Ynion 3, Amparado 3.Quarterscores: 19-16; 34-36; 51-52; 81-77.

PHAREX B COMPLEX 82 - Manuel 17, Co 13, Tiro­na 11, Tecson 11, Arao 10, Adolfo 7, Reyes M. 4, Sison 4, Reyes E. 3, Braganza 2.

ANI-FCA 62 - Pascual N. 14, Sena 13, Cagoco 10, Luanzon 9, Acosta 6, Matias 5, Sevilla 4, Florez 1.

Quarterscores: 21-22; 37-33; 60-44; 82-62.

Show comments