^

PSN Palaro

Holy Child tinalo ang USJR sa SBP-Nat'l Jr. Championship

-

CEBU CITY, Philippines - Nagpasiklab ang Holy Child School of Davao nang manalo sa malakas na Uni­versity of San Jose Recoletos sa Under 17 ng SBP National Junior Championship sa University of San Carlos gymnasium, Cebu City.

Sa pangunguna ni Hergogenes Maning na nagtala ng 23 puntos, kinana ng Holy Child School ang 86-74 panalo upang makuha ang unang panalo sa tatlong asignatura sa preliminary round.

Sumuporta kay Maning sina Joshua Aguilon, Ian Flaviano at Marvin Bonleon Jr. na nagtapos sa 19, 14 at 13 puntos at ipa­lasap sa USJR ang unang kabiguan sa preliminary round matapos ang dalawang sunod na panalo laban sa Divine World Academy of Dagupan, 102-78, at Sacred Heart Lucena, 78-61.

Si Arlister Escatron at Rex Bono ay may 19 at 15 puntos para sa natalong koponan.

Nanalo naman ang Sacred Heart Lucena sa Divine World Academy, 78-73, para makapasok na rin sa win column.

May pinagsamang 52 puntos sina Jhan Calvin Cacao at Nichole Trinidad para sa na­nalong koponan na ipinatikim sa Dagupan team ang pangalawang kabiguan sa tatlong laro.

Ang St. Clare College ay nangibabaw sa Iloilo Chinese Commercial High School sa overtime, 83-80, upang mahawakan ang liderato sa dibisyon sa 3-0 marka.

Sa Under 19 category, ki­nuha ng Fatima College ang ikalawang sunod na panalo sa pamamagitan ng 72-60 ta­gumpay sa Ateneo de Zamboanga habang ang University of Visayas na natalo sa Fatima ay nakabangon sa pamamagitan ng 90-76 panalo sa host University of San Carlos.

ANG ST. CLARE COLLEGE

CEBU CITY

DIVINE WORLD ACADEMY

DIVINE WORLD ACADEMY OF DAGUPAN

FATIMA COLLEGE

HERGOGENES MANING

HOLY CHILD SCHOOL

HOLY CHILD SCHOOL OF DAVAO

SACRED HEART LUCENA

UNIVERSITY OF SAN CARLOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with