^

PSN Palaro

Gorres balik Pinas bibigyan na lang ni Aldeguer ng trabaho

-

MANILA, Philippines - Matapos ang halos apat na buwan, nakatakda nang du­mating sa bansa si Fiilipino super flyweight Z “The Dream” Gorres mula sa United States.

Inihatid ng ilang kaibigan, sumakay ang 27-anyos na si Gorres, kasama ng asawang si Datches, sa PAL Flight 107 sa McCarran International Airport sa Las Vegas, Nevada.

Ito ang unang pagkakataon na uuwi sa bansa si Gorres matapos ang isang brain surgery sa University Medical Cen­ter sa Nevada ilang oras matapos ang kanyang panalo kay Colombian Luis Melendrez noong Nobyembre 13 sa Mandalay Bay House of Blues sa Las Vegas, Nevada.

Ilang minuto matapos iha­yag ang kanyang panalo kay Melendrez, biglang nabuwal si Gorres at kaagad na dinala sa ospital kung saan siya sumailalim sa isang brain surgery para tanggalin ang namuong dugo sa kanyang utak.

Para sa kanyang rehabilitas­yon, pansamantalang nanulu­yan sina Gorres at Datches sa tahanan nina Richard Legaspi at Yora Velasco sa Los Angeles, California.

Mula sa Maynila, bibiyahe ang mag-asawa sa kanilang ta­hanan sa Mandaue, Cebu City kung saan sila sasalubungin ni Cebuano boxing patron To­ny Aldeguer ng ALA Boxing Promotions.

Nangako si Aldeguer na bi­bigyan niya ng permanenteng trabaho si Gorres sa kanyang opisina.

At dahil na rin sa kanyang kondisyon, sinabi ni Aldeguer na hindi na tatapak si Gorres, may 31-2-2 win-loss-draw ring record kasama ng 17 KOs, sa boxing ring.

Sa katatapos na “Pinoy Power 3/Latin Fury 13” sa Las Vegas Hilton, inihayag ni Filipino world seven-division champion Manny Pacquiao ang kanyang fund-raising dinner para kay Gorres.   (Russell Cadayona)

ALDEGUER

BOXING PROMOTIONS

CEBU CITY

COLOMBIAN LUIS MELENDREZ

GORRES

INTERNATIONAL AIRPORT

KANYANG

LAS VEGAS

LAS VEGAS HILTON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with