Malilikom na pondo sa 'Go for Gold' Scratchit tickets ibibigay ng PSC sa mga atleta
MANILA, Philippines - Isa na namang proyekto na pakikinabangan ng mga national athletes.
Nakipagtulungan ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa paglulunsad ng isang espesyal na serye ng Scratchit tickets na tatawaging “Go for Gold”.
Sinabi ni PSC chairman Harry Angping na sa inilabas na P100 milyong halaga ng Scratchit tickets ay may garantiya nang P5 milyon ang sports agency.
“Dry run lang natin ito. So kung magiging successful sa next batch ng P100 million worth of tickets, probably we would be getting P10 to P15 million,” wika ni Angping kasama si Pacific Online Systems Corp. vice-president Roger Go.
Ang Pacific Online ang exclusive distributor ng Scratchit tickets ng PCSO.
Nilinaw rin ni Angping na ang pondong makukuha ng sports commission mula sa naturang proyekto ay ilalaan para sa mga national athletes, partikular ang mga naghahanda para sa 16h Asian Games sa Guangzhou, China sa Nobyembre.
“All the funds that we can get from Scratchit tickets will be set aside in a separate savings account just for the athletes, especially those who will compete for the 2010 Asian Games,” ani Angping.
- Latest
- Trending