Baseball Phils. may pa-tryouts

MANILA, Philippines - Magdaraos ng tryouts bukas (Pebrero 13) ang organizing Community Sports Inc. para sa baseball Phils. VI at Junior Baseball Phils. Series II na magbabalik sa susunod na buwan.

Magsisimula ang patalaan sa alas-8:30 ng umaga at may tatlong oras na tryouts na magsisimula sa alas-9 ng umaga sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Ang Baseball Phils. VI ay isang open tryouts habang ang Junior Baseball Phils. ay eksklusibo lamang para sa mga player na may edad 15-17.

Magsisimula ang bagong season ng Baseball Phils. Series at Junior Baseball Philippines Series sa Marso na inaasahang hitik sa aksyon ang nasabing kambal na events.

Show comments