^

PSN Palaro

Game 1 pipiliting kunin ng Patriots vs Indons

-

MANILA, Philippines - Makauna sa serye ang pa­kay ngayon ng Philippine Patriots at Satria Muda BritAma ng Indonesia sa pagsisimula ng ASEAN Basketball League Finals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang natatanging laro ay itinakda ganap na alas-6 ng gabi at pinapaboran ang Patriots na mangibabaw sa Satria Muda Bri­tAma sa unang laro sa best-of-five title series.

Hindi pa nakakatikim ng pa­nalo ang Indonesian team sa tat­long pagkikita habang ang Patriots ay hindi pa rin natatalo sa homecourt matapos ang si­yam na laban.

Kasama nga sa mga hiniya sa sariling home court ay ang katunggali sa dalawang pagkikita nito sa bansa.

“Kaya tayo naghirap para kunin pangunahan ang eliminasyon ay dahil sa home court advantage sa finals. Malaking bagay ito para sa ating hangarin na maging kampeon sa liga,” wika nga ni coach Louie Alas.

Pero hindi dapat magkukum­piyansa ang Patriots lalo nga’t mataas ang morale ng Indonesian team nang kanilang silatin ang number two seed na Singapore Slingers sa tatlong laro.

Inangkin nga ng nasabing ko­ponan ang huling dalawang labanan sa best-of-three series at tinapos nga sa pamamagitan ng 86-76 panalo sa homecourt ng Slingers.

“Mahirap na serye ito dahil mas malalaki sila sa atin at ha­los kapareho natin sila kung maglaro. Kaya inaasahan kong magiging mahigpitan ang labanan,” dagdag pa ng beterano­ng mentor.

 Sinegundahan ito ni Dr. Mikee Romero na isa sa dalawang team owner ng koponan, ang isa nga ay si Tony Boy Co­juangco.

“This is an entirely different ballgame compared to the elimination. So I expect an exciting showdown and great match-ups in the series,” wika nga ni Romero.

Sina Jason Dixon at Gabe Freeman ang siyang mangu­nguna sa koponan na kung mananalo sa larong ito ay magkakaroon ng magandang pagkakataon na kunin ang 2-0 iskor dahil ang Game Two ay gagawin sa The Arena sa San Juan sa Pebrero 17.

 Makakatapat nina Dixon at Freeman ang mga mahuhusay na imports ng Indonesia na sina Alex Hartmann at Nakiea Miller na nagtulong nang gulatin ng koponan ang Slingers sa ikatlo at huling semifinals game.

 Si Hartmann ay mayroong 30 puntos habang si Miller ay gumawa ng 20 sa kabuuang 22 puntos sa second half.

Pressure defense ang balak na ilatag ni coach Alas dahil walang matinong point guard ang BritAma pero kung si Hartmann ang gagawin nilang taga-dala ng bola ay handa naman si Freeman na pigilan ito. (ATAN)

vuukle comment

ALEX HARTMANN

BASKETBALL LEAGUE FINALS

DR. MIKEE ROMERO

GABE FREEMAN

GAME TWO

KAYA

LOUIE ALAS

NAKIEA MILLER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with