Donaire si Vargas na ang kalaban

MANILA, Philippines - Ilang araw bago ang kanyang pagdedepensa ng hawak na interim super flyweight belt, iba na ang hahamon kay Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr.

Dahilan sa napag-alamang ‘detached retina’ ni Mexican Gerson Guerrero, ang kapalit na si Manuel Vargas na ang makakalaban ni Donaire sa “Pinoy Power 3/Latin Fury 13” sa Pebrero 13 sa Las Vegas Hilton sa Las Vegas, Nevada.

Ito ang inihayag kaha­pon ni Bob Arum ng Top Rank Promotions hinggil sa pagtatanggol ni Donaire ng kanyang suot na World Boxing Association (WBA) interim super flyweight title kay Vargas.

Si Vargas ay tinalo na ni World Boxing Organization (WBO) minimumweight titlist Donnie “Ahas” Nietes sa kanyang huling title defense.  

“This happens in bo­xing,” sabi ng 27-anyos na si Donaire sa pagpapalit ng kanyang makakalaban. (Russell Cadayona)

Show comments