^

PSN Palaro

Pacquiao sinabayan ni Van Damme sa pag-ensayo

-

MANILA, Philippines - Matapos si Steven Sea­gal, isa pang Hollywood action star ang dumalaw kay Filipino boxing hero Manny Pacquiao sa Wild Card Boxing Gym kahapon.

Nagtungo si martial ar­tist Jean Claude Van Dam­me sa Wild Card Gym upang masilayan at personal na makausap ang Filipino world seven-division champion.

Sinabayan ng Belgian martial arts expert at Hollywood action star si Pacquiao sa pagsisimula nito ng kanyang ehersisyo.

Kagaya ni Seagal, inimbitahan rin ni “Pacman” si Van Damme na manood sa kanyang laban kay Jo­shua Clottey sa Marso 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Ang 50-anyos na si Van Damme ay nakilala sa kanyang mga pelikulang Bloodsport, Universal Soldier at Timecop.

Kamakailan ay binisita ni Seagal si Pacquiao sa ta­hanan nito sa Larchmont kung saan nila napag-usa­pan ang paggawa ng isang pelikula.

Maliban kay Van Dam­me, dumalaw rin kay Pac­quiao sa Wild Card si Mexican Danny Trejo, gumaganap na kontrabida sa pelikula.

Sa kanyang pagpapabagsak kay Briton Ricky Hatton noong Mayo ng 2009, pinanood si Pacquiao ni Oscars winner Den­zel Washington na nauna pang dumiretso sa dressing room ni “Pacman” matapos ang laban kay “Hitman”.

Kabilang sa mga Hollywood celebrities na nahumaling kay Pacquiao ay sina Lou Diamond Phillips, Mark Wahlberg at Mickey Rourke, isang dati ring boksingero. (RCadayona)

BRITON RICKY HATTON

COWBOYS STADIUM

JEAN CLAUDE VAN DAM

KAY

LOU DIAMOND PHILLIPS

MARK WAHLBERG

MEXICAN DANNY TREJO

PACQUIAO

SHY

VAN DAMME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with