MANILA, Philippines - Babanderahan ng multi-titled Lyceum ang cast ng Women’s National Collegiate Athletic Association (WNCAA) National Championship Games na magbubukas ngayon sa University of Perperual Help sa Biñan, Laguna.
Tatrangkuhan ng Lyceum, nakopo ang kanilang ikaapat na sunod na basketball crown at 10 sunod na volleyball title noong nakaraang taon, ang National Capital Region kasama ang dual titlist na University of Asia at Pacific na magpapakita ng aksyon sa Senior B ng 40th WNCAA season.
Ang iba pang kalahok na koponan sa apat na araw na basketball at volleyball tournament ay ang Bicol’s University of Sta. Isabel at Ateneo de Naga, Central Luzon’s Tarlac State University at Lyceum Subic at host Perpetual bilang kinatawan ng Calabarzon.
Sa ngayon, ipinagkaloob ng 40th WNCAA ang kampeonato sa St. Scholastica’s College (junior volleyball), San Beda College Alabang (midgets volleyball), Miriam (junior futsal), La Salle College (midgets and junior badminton at junior table tennis), Rizal Technological University (senior badminton at table tennis).
Idaraos naman ang cheerleading competition para sa lahat ng tatlong division sa Pebrero 20 sa Ninoy Aquino Stadium.
Ang 40th WNCAA ay suportado rin ng monster Radio RX 93.1, Goody, IBC 13, Manila Bulletin, Sports Digest, Muscle Tape, Burlington BioFresh, MJC Press at Macraphics Carranz.