CLEVELAND - Hindi na mapigilan si LeBron James at ang mga Cavaliers.
Umiskor si James ng 32 points para pangunahan ang Cleveland Cavaliers sa kanilang pang 12 sunod na ratsada sa pamamagitan ng 104-97 panalo sa New Jersey Nets.
Ito na ang pinakamahabang arangkada ng Cleveland ngayong NBA season para itumpok ang kanilang 42-11 win-loss record.
Si James, kinilalang NBA Eastern Conference’s Player of the Week sa pang limang pagkakataon, ay tumipa ng13-of-21 fieldgoals bukod pa ang 11 assists at 3 rebounds.
“He’s an amazing player and keeps getting better and better,” wika ni New Jersey coach Kiki Vandeweghe kay James. “There aren’t accolades to describe his game.”
Maliban sa mahabang winning streak, tangan rin ng Cavaliers ang league-best 23-3 sa Cleveland.
“It’s impressive no matter what league you’re in, no matter who you’re playing against,” wika ni James. “To have a 12-game winning streak against the best competition in the world is impressive. Hopefully we can continue that on Thursday.”
Susunod na makakaharap ng Cleveland ang Orlando Magic sa Quicken Loans Arena sa kanilang rematch sa NBA Eastern Conference Finals.
Sa Portland, Oregon, nagtala si Kevin Durant ng 33 puntos at 11 rebounds upang tulungan ang Oklahoma City na palawigin ang kanilang season-high winning streak sa anim na games matapos na igupo ang Portland Trail Blazers, 89-77.
Sa Memphis, Tennessee, umiskor si Jamal Crawford ng 28 puntos, kabilang ang apat na tres sa final canto ang naghatid sa Atlanta Hawks sa 108-94 tagumpay laban sa Grizzlies.
Sa iba pang resulta, tinalo ng Miami Heat ang Houston Rockets, 99-66 at pinabagsak ng Utah Jazz ang L.A. Clippers, 109-99.