Acess, SMBeer sa Game 1

MANILA, Philippines - Halatang pagod at wa­la sa kanilang porma, isi­nuko ng mga Gin Kings ang ka­nilang series opener sa mga Aces.

Mula sa itinumpok na 29-point lead sa third quarter, pinayukod ng Alaska ang Barangay Ginebra, 104-79, sa Game One ng kanilang best-of-seven se­mifinals showdown para sa 2009-2010 PBA Philip­pine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.

Kumpara sa napahingang Aces, nanggaling naman ang Gin Kings sa mabigat at kontrobersyal na best-of-five quarterfinals duel sa dating kampeong Talk ‘N Text Tropang Texters.

Huling naglaro ang Alaska, inangkin ang No. 1 berth sa semifinal round mula sa mas mataas ni­lang quotient kumpara sa No. 2 San Miguel, noong Disyembre 25 kung saan nila tuluyang nasambot ang outright semifinals ticket.

“It’s a good start defi­netely. And it’s something that we could build on,” ani coach Tim Cone sa kani­lang panalo. “We hoped that it would happen this way but we certainly didn’t expect that we will win big.”

Ito ang unang pagka­kataon na nagkaharap ang Aces at Gin Kings matapos noong 1997 PBA Commissioner’s Cup Finals kung saan nagwagi ang Ginebra ni Robert Jaworski, Sr., 4-2, sa kanilang best-of-seven titular showdown.

Matapos ang jumper ni Rico Villanueva para sa 2-0 lamang ng Ginebra, kumayod naman ang Alaska para kunin ang 9-2 abante patungo sa 29-17 pag-iwan sa first period hanggang iposte ang mala­king 22-point lead, 55-33, sa 1:06 ng second quarter buhat sa jumper ni Joe Devance.

Ipinoste ng Aces ang pi­nakamalaki nilang bentahe sa 29 puntos, 74-45, sa 4:19 ng third period galing sa three-point shot ni Larry Fonacier kasunod ang 19-4 atake ng Gin Kings, 15 rito ay mula kay Mark Caguioa, upang ma­kalapit sa 64-78 sa 11:42 ng final canto.

Huling naghamon ang Gi­nebra sa 68-83 buhat sa dalawang sunod na basket ni Cyrus Baguio bago ang isang 3-pointer at jumper ni LA Tenorio para ibigay sa Alas­ka ang isang 20-point advantage, 91-71, sa 6:38 ng laro.

“They took this first game, they took it in a kinda deep breath and I know the series will start in Game Two,” sambit ni Cone.

Humakot si Sonny Thoss ng 21 puntos, 11 rebounds, 3 shotblocks at 1 assist para sa Aces ka­sunod ang 20 marka ni Devance, 19 ni Tenorio at 10 ni Tony Dela Cruz.

“We were step slower than them,” pag-amin ni mentor Jong Uichico sa Gin Kings. “It kinda drained us not only physically but some emotio­nally.

 Tumipa si Caguioa ng game-high 23 puntos para sa Ginebra sa itaas ng 14 ni Sunday Salvacion, tig-8 nina Baguio at Ronald Tubid at 7 ni JC Intal.

Alaska 104 - Thoss 21, DeVance 20, Tenorio 19, Dela Cruz 10, Borboran 8, Hugnatan 8, Fonacier 7, Miller 4, Cariaso 4, Cablay 3, Ferriols 0.

Ginebra 79 - Caguioa 23, Salvacion 14, Tubid 8, Baguio 8, Intal 7, White 6, Wilson 4, Menk 3, Mamaril 2, Villanueva 2, Helterbrand 2, Cruz 0.

Quarterscores: 29-17, 55-35, 78-62, 104-79.

Show comments