Coca-Cola Company major presentor sa PSA Awards
MANILA, Philippines - Ang Coca-Cola Company ang siyang magiging major presentor para sa 2009 Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa Marso 1 sa Manila Hotel.
Ang nasabing beverage company ay isa sa mga kompanyang tumutulong sa Philippine sports mula pa sa kanilang Coke Go-For-Goal program at ang Coca-Cola Tigers sa Philippine Basketball Association (PBA).
Sa pamamagitan ng kanilang produktong Powerade, pinondohan ng kompanya ang kampanya ng RP men’s basketball team sa ilang international tournaments.
Kasama na rito ang 2009 FIBA-Asia Championship na siyang qualifying tournament para sa 2010 World Basketball Championship kung saan tumayong team manager si Coca-Cola PBA Board of Governors member JB Baylon.
Isa sa mga miyembro ng Powerade team-backed Nationals ay si Jayjay Helterbrand ng Barangay Ginebra na kasama sa mga major awardees sa annual awards night na suportado ng Smart, Pacific Online System Corporation, Philippine Sports Commission (PSC), Harbour Centre at PCSO.
Kasama ni Helterbrand bilang mga major awardees ay sina trackster Arniel Ferreira, billiards stars Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco Bustamante, chess player Wesley So, golfers Elmer Salvador at Chihiro Ikeda at cyclist Joel Calderon.
- Latest
- Trending