Jr. NBA Open Clinic dadayo sa SM North Edsa ngayon

MANILA, Philippines - Nagsasagawa ng Jr. NBA Open Clinic sa SM North Edsa Annex 4 mula alas-10 ng umaga hanggang alas-6:45 ng gabi.

Ang mga basketbo­listang edad 12 hanggang 14 ang puwedeng ma­kasali sa clinic na kung saan magkakaroon ng pag­kakataon ang mga ka­lahok na maramdaman ang ipinaiiral na Jr. NBA sa US.

Susukatin ang mga kasali sa kanilang skills at drills challenges at pu­wede nga rin nilang ma­ka­sama ang kanilang ma­gulang at kaibigan upang makadagdag saya sa buong araw na kaga­napan.

Ang NBA youth basketball development program sa bansa ay nasa ikatlong sunod na taon na at nagßsimula ito sa 2010 sa pamamagitan ng Coa­ches Clinics noong Enero sa Manila, Cebu at Davao.

Matapos ang Clinic ay may isasagawa ring mga Regional Selection Camps sa Marso at ang mga lalabas na mahuhusay na basketbolista sa tatlong regional camps ang uusad sa National Training Camp.

Sa National Camp naman pipiliin ang walong pinakamahuhusay at sila ay ipadadala sa US paramakapanood ng live na NBA game.   

Show comments