POC ipinaubaya na sa NSAs ang pagpili ng atleta para sa Asiad

MANILA, Philippines - Kumpara sa mga nakaraang edisyon ng Asian Games, walang gagami­ting kriterya ang Philippine Olympic Committee (POC) hinggil sa pagpili ng mga atletang isasabak sa Guangzhou, China sa Nobyembre.

Ito ang inihayag kaha­pon ng binuong seven-man working group ng POC na naglalayong bigyan ang mga National Sports Associations (NSA)s ng pagkakataong ma­kapagrekomenda ng atleta.

“This is in line with the POC’s desire to form the teams that will carry the country’s colors in the Asian Games slated November no later than August,” wika kahapon ni Moying Martelino, miyembro ng naturang grupo, sa lingguhang SCOOP Sa Kamayan sa Kamayan Restaurant sa Padre Faura, Manila.

Nagtakda na ng deadline ang working group, pinamumunuan ni Chef De Mission Joey Roma­santa, ng hanggang Pebrero 15 para sa atletang irerekomenda ng mga NSAs.

Ayon kay Martelino, bahagi ng Philippine Secretariat sa 2006 Asian Games sa Doha, Qatar noong 2006, wala na si­­lang ibibigay na exten­sion sa mga NSAs. (RC)

Show comments