^

PSN Palaro

RP Patriots kakasa sa ABL finals

-

KUALA, Lumpur - Kagaya ng dapat asahan, tuluyan nang uma­bante sa championship se­ries ang mga Patriots.

Tinalo ng Philippine Patriots ang Kuala Lumpur Dragons, 70-65 sa Game Two ng kanilang maikling best-of-three semifinals se­ries para sa ASEAN Bas­ketball League kamakalawa ng gabi sa MABA Stadium sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Bumangon ang Patriots mula sa isang 16-point deficit sa second period upang tuluyan nang walisin ang Dragons, 2-0, sa kanilang serye.

Sinandigan ng Pa­triots ni head coach Louie Alas ang inihulog na 10-0 bomba na pinainit ng three-point shot ni Rob Wainwright at three-point play ni import Gabe Freeman sa pagsisimula ng fourth quarter.

Sa likod nina Filipino recruit Rudy Lingganay, Cameroonian Chris Kuete at Malaysian Shee Fai Loh, itinala ng Dragons ang malaking 35-19 lamang hanggang makabangon ang Patriots para sa 32-40 agwat sa halftime.

Isang 3-point play naman ni Jason Dixon kay Jamal Brown ang nagbi­gay sa Patriots ng 68-63 abante laban sa Dra­gons sa huling dalawang minuto ng laro.

Sa naturang tagumpay sa Dragons, hihintayin na lamang ng Patriots kung sino sa pagitan ng Singapore Slingers at Sa­tria Muda BritAma ng Indonesia ang kanilang makakatagpo para sa championship series.

Tinalo ng Satria Muda BritAma ang Slingers, 74-45, sa Game Two upang itulak ang isang ‘do-or-die’ sa Game Three ng kani­lang semis showdown.

vuukle comment

CAMEROONIAN CHRIS KUETE

GABE FREEMAN

GAME THREE

GAME TWO

JAMAL BROWN

JASON DIXON

KUALA LUMPUR

LOUIE ALAS

MALAYSIAN SHEE FAI LOH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with