^

PSN Palaro

Pacman sumalang na sa training

-

MANILA, Philippines - Bagamat alas-3 na ng hapon dumating sa Wildcard Boxing Gym, hindi pa rin napigilan ang panggigigil ni Man­ny Pacquiao sa kanilang training session ni American trainer Freddie Roach.

Sa ulat ng Philboxing kahapon, tumakbo si Pacquiao sa kanyang paboritong Griffith Park at sandaling nag­pa­hinga sa kanyang bahay sa Hancock Park sa Los Ange­les, California kung saan naman siya tumanggap ng ilang bisita.

At nang tumapak sa boxing gym, wala nang humpay sa kanyang ensayo si “Pacman”.

Isinuot sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang bagong Nike boxing shoes, sampung rounds ang ibinuhos ni Pacquiao sa punch mitts nila ni Roach matapos ang kaniyang pylometric exercises kay Alex Ariza.

Pagkatapos ng punch mitt session, binalingan naman ni Pacquiao ang double speed bags kasunod ang single speed bag.

Natapos ang naturang training session ni Pacquiao sa pamamagitan ng skipping ropes at mataimtim na dasal.

Ang naturang mga ginagawa ni Pacquiao ay ordinaryo nang nakikita nina Roach at Ariza sa tuwing may laban ang tubong General Santos City.

Nakatakdang itaya ni Pacquiao ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Ghanian challenger Joshua Clottey sa Marso 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

“Marami ang nagsasabing magiging madali lang para sa akin ang laban na ito pero para sa akin, lubhang ma­panganib ang sagupaang ito dahil na rin sa taglay na lakas, laki at bilis ni Clottey,” ani Pacquiao sa kanyang bo­xing column.

Kagaya ng 31-anyos na si Pacquiao, hindi rin nagpapahuli sa kanyang paghahanda ang 32-anyos na si Clottey.

“Joshua was training for awhile in Ghana. He’s in top condition,” wika ni Vinny Scolpino, tumatayong ma­nager ni Clottey, nakatakda nang lumipat sa kanilang training headquarters sa Ft. Lauderdale, Florida. (RCadayona)

vuukle comment

ALEX ARIZA

CLOTTEY

COWBOYS STADIUM

FREDDIE ROACH

FT. LAUDERDALE

GENERAL SANTOS CITY

GRIFFITH PARK

HANCOCK PARK

JOSHUA CLOTTEY

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with